Ano kaya ang pakiramdam nina Barbie, Joshua, Jake at Bea sa kanilang kauna-unahang pagbibida sa big screen? Text by Karen de Castro. Photos courtesy of GMA Network.
Ngayong August 24 na mapapanood sa theaters ang Tween Academy: Class of 2012. Isa ito sa mga pinakahihintay na movies ngayong taon ng mga tweens at teens sa buong bansa, at itinatampok dito ang Tween Royalties na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Jake Vargas, at Bea Binene.
Ano ang pakiramdam na sila ay stars sa kanilang sariling movie for the very first time?
“Hindi pareho yung pagtrato sa pelikula at sa show, kaya medyo kinakabahan ako. Pero at the same time, I’m excited kasi parang naglaro lang kami, parang ang saya-saya lang. Parang natural lang lahat ng mga ginawa namin,” says Barbie.
“ Yung magkakaroon kami ng movie, yung makikita namin yung sarili namin sa sine, kumbaga isang karangalan para sa amin,” ayon naman kay Jake.
Ang movie na ito ay solo production ng GMA Films matapos ng maraming taong pakikipag-co-produce ng mga blockbuster films. Ano ang pakiramdam nila na nabigyan sila ng ganitong kalaking break at ganito kalaking tiwala ng GMA?
“Masaya, kasi sa amin pinagkatiwala yun and hindi naman biro yung budget ng ganitong movie e. So para sa amin ibigay, sobrang ibang experience, and thankful po kasi binigyan kami ng chance ng GMA na makita sa big screen,” says Bea.
”Sabi nila, ngayon na lang ulit nangyari itong ganito. Masaya kasi sa amin nila inilaan ang pagkakataon na ito,” dagdag naman ni Barbie. “Binigay naman namin yung best namin. Kumbaga, naglaro kami, pero kapag trabaho, trabaho kami. Kumbaga kung seryoso, seryoso.”
Samantala, hindi maipagkakaila ang kanilang success sa telebisyon with their hit show Reel Love presents Tween Hearts. Inaasahan ba nila na magiging ganito din ka-successful ang kanilang movie?
“Kinakabahan po ako kasi iba yung nasa TV sa pelikula. Hindi ako confident, pero naniniwala ako sa mga fans ng mga JoshBie kasi kahit sa set, kahit sa taping, lagi silang nandoon, lagi silang nagpo-promise na papanoorin namin, ganun. So hindi naman sa confident pero naniniwala ako sa mga JoshBie,” pag-amin ni Barbie.
“Siyempre po, hindi naman po mawawala ang kaba kasi iba naman po ang movie sa TV e. Dito po magbabayad ang mga tao. Dito po kailangan pa nilang magpunta ng mall para makapanood sila,” dagdag ni Bea. “And hindi naman po alam namin kung manonood ang mga tao, pero marami naman pong nagsasabi ng support sa Twitter and lahat. Pero at the same time, kasi po hindi lang naman po Tweens, maraming pagpipilian kasi ang mga tao na movie e. So siyempre kailangan talagang pagandahin ito para magustuhan nila.”
Simple at straight-to-the-point naman ang nasabi ni Joshua tungkol dito sa kanyang interview sa Startalk TX nitong nakaraang Sabado.
“Sana ma-enganyo namin silang manood ng movie namin,” he said.
Abangan ang Tween Academy: Class of 2012 ngayong August 24 in theaters near you.
Get the latest updates on the Tweens. Just type JOSHUA / BARBIE / JAKE / BEA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) JOSHUA / BARBIE / JAKE / BEA (space) ON and send to 4627>. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.
Information Courtesy of iGMA
http://www.igma.tv/story/7378/Tween-Royalties-movie-stars-na