Showing posts with label BIRTHDAY. Show all posts

Wednesday, September 7, 2011

Louise delos Reyes surprised by Enzo Pineda on her 18th birthday

PEP:

Naka-prosthetics pa si Louise delos Reyes nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang The Road ng GMA Films sa Lagro, Quezon City, kahapon, September 6.

Naka-school uniform si Louise, pero may makeup siya na iisipin mong tunay ang mga sugat sa mukha niya. Isa raw na big scene niya ang sinu-shoot that time.

In The Road, she plays the role of Joy na kapatid naman ng character ni Rhian Ramos.

Kuwento pa ni Louise, "Simpleng teenager lang po ang role ko na magka-college na sana siya. Habang nasa road silang magkapatid, yun po..."

BIRTHDAY SURPRISE FROM ENZO. Noong September 1 ay naging ganap nang dalaga si Louise dahil sa ipinagdiwang niya ang kanyang 18th birthday. Pero instead na magkaroon ng bonggang debut party, mas pinili niyang ipagdiwang ito nang simple.

Pero hindi naman itinanggi ni Louise na sinorpresa siya ng kanyang rumored boyfriend na si Enzo Pineda.

Kuwento ni Louise, "Noong Wednesday po [August 31], before my birthday, meron po akong allergy.

"Tapos, uminom po ako ng anti-histamine, e, nakakaantok yung [gamot]. Pinipigilan kong antukin kasi gusto ko nga pong salubungin ang birthday ko.

"Tapos, sabi niya [Enzo], 'Sige, matulog ka, matulog ka. Kailangan mong magpahinga.'

"Yun pala, meron siyang plan na pumunta ng midnight para salubungin ang birthday ko.

"Nagluto po siya ng favorite kong carbonara. Simple lang, pero masarap siyang maggawa no'n.

"Tapos, meron din pong cake at saka flower, tulips."

May nagsabi naman kay Louise na hindi raw panahon ng tulips ngayon at in-order pa raw ito ni Enzo sa ibang bansa para maibigay sa kanya. It only goes to show na mahal siyang talaga ng binata.

Pero nararamdaman nga ba niyang mahal siya ni Enzo?

"Siguro po, mas nararamdaman ko na importante ako sa kanya kasi yung attention.

CONTINUE READING FROM ORIGINAL [SOURCE] 
Information Courtesy of PEP / Rose Garcia

 If You Like This Kapuso Post, Click Here To Subscribe Via Email

Wednesday, August 10, 2011

Marian Rivera on Dingdong Dantes's birthday gift: "Basta alam kong love niya ako, tulad ng sinasabi niya at palagi niyang pinaparamdam, okay na ako do'n."

DINGDONG'S GIFT. Dahil sa August 12 pa ang actual birthday ni Marian, wala pa raw binibigay na regalo sa kanya ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

"Wala pa siyang regalo. Pero sabi ko nga sa kanya, hindi naman importante sa akin ang materyal na bagay.

"Basta alam kong love niya ako, tulad ng sinasabi niya at palagi niyang pinaparamdam, okay na ako do'n," sabi ng aktres.

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Dingdong ay sinabi nito na pinag-iisipan pa niya nang maige ang ibibigay niya kay Marian dahil gusto niyang maaalala ito ng kasintahan habambuhay.

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Aray ko! Huwag nang gano'n, huwag nang gano'n.

"Basta maging masaya na lang kaming dalawa, okay na ako do'n."

Pero natatawa niyang dagdag, "Talaga? Kinabahan naman ako do'n!"

MARIAN'S GIFT. At first, ayaw pang i-reveal ni Marian kung ano naman ang naging bonggang gift niya kay Dindong, na nag-birthday noong August 2.

Pero nang malaman na si Dingdong na rin mismo ang nagsabi sa amin kung ano ito, masaya nang nagkuwento si Marian about her gift—isang relo na gustung-gusto at inaabangan ni Dingdong.

"Actually, may kuwento 'yan. Meron talaga siyang isang gusto na bagay na 'yan na ang tagal niyang pinangarap na bilhin.

"E, hindi niya inaakala na mas naunahan ko pa siya. Nabili ko yun para sa birthday niya."

Nagbilin na nga raw si Dingdong sa shop na huwag ibibigay sa iba ang naturang relo.

Pero natatawang sabi ni Marian, "Sorry siya, kinarir ko ang pinakamataas do'n kaya ko nalaman!"

Ano naman ang naging reaction ni Dingdong nang iabot na niya ang gift niya?

"Mangiyak-ngiyak siya. Hindi niya akalain na magagawa ko.

"Napagtuunan ko pa raw ng pansin to think na sobrang busy ko, ha.

"Sabi ko nga, walang busy kapag gusto mo talaga."

Paano niya ibinigay ang gift?

"Nakabalot siya, tapos may card. Sabi ko, 'O, gift ko sa 'yo.'

"Sabi niya, 'Ano 'to?' Sabi ko, 'Gusto ko, kapag binuksan mo 'yan, nakapikit ka.'

"Tapos nagulat siya nang makita niya.

"Nakita ko naman na na-touch naman siya," kuwento ni Marian.

MARIAN'S BIRTHDAY. Ano naman ang wish ni Marian sa kanyang darating na kaarawan?

"Ang dami!" bulalas niya.

"Pero gusto ko lang siguro sa birthday ko, mas maging happy pa ako.

"Wala namang kapalit kapag masaya ka."

Paano naman niya planong ipagdiwang ang kanyang nalalapit na kaarawan?

"Hindi ko alam, e," sambit ng Primetime Queen ng GMA-7.

"Basta isa lang ang hiniling niya [Dingdong] sa akin. Sa araw raw mismo ng kaarawan ko, gusto raw niya sa kanya lang ang araw na yun.

"Pagbigyan na natin."

Ayon pa kay Marian, "Masarap lang din ang pakiramdam na sa bawat pagkakataon na sine-celebrate namin ang birthday namin, nagiging vocal talaga siya.

"At sobrang nararamdaman ko kung gaano niya ako ka-love kaya thankful ako do'n.

"Huwag lang siyang magbago sa akin at yun lang din talaga. Kasi minahal ko siya bilang ganoon.

"Okay ako do'n, masaya ako sa ganoon."

Kinilig naman ang fans na nasa tabi ni Marian habang ini-interview ng PEP nang sabihin ng kanilang idolo na hindi lang every day kung sabihan siya ni Dingdong ng pagmamahal nito.

"Hindi lang every day. Ikaw na si Amaya!" natatawang sabi ni Marian, na ang tinutukoy ay ang pangalan ng pinagbibidahan niyang primetime series sa Kapuso network.

May humirit naman ng tanong kung naibigay na raw ba niya ang "everything"?

"Everything? As in, everything?" balik-tanong naman ni Marian.

"Siyempre, may mga bagay na ayoko namang lahat ibinibigay.

"Sa akin kasi, gusto ko rin naman na meron siyang itinitira para sa sarili niya, which is ako rin, ganoon. Para balance lang.

"Huwag namang todo, sakto lang."

WEDDING BELLS. Sa punto ng relasyon ngayon nina Marian at Dingdong, tila wedding na nga lang talaga ang kulang sa kanila.

"Yun na lang ba? Okay!" natatawang biro naman ni Marian.

Naudlot nga ba this year?

"Hindi naman," sagot ni Marian.

"May mga bagay talaga na pinaplano talaga at hindi basta-basta.

"Ang salitang wedding ay napakalaki at napakahalaga niyan sa akin. Hindi dapat pinag-uusapan nang basta-basta lang.

"Siguro time will come. Darating naman 'yan at hindi dapat pilitin.

"Pangit kapag pilit, e. Kusa na lang 'yan.

"Sa ngayon, marami pang dapat na gawin."

Pero si Dingdong na talaga ang nakikita niyang makakatuluyan niya?

"Ang pangit naman kung sabihin kong hindi. Oo naman!" sagot niya.

BACK TO KAPUSO ONLINE HOMEPAGE and THE KAPUSO ONLINE AWARDS - A Viewer's Choice Special: CLICK HERE TO VOTE

Information Courtesy of PEP / Rose Garcia

http://www.pep.ph/news/30541/marian-rivera-on-dingdong-dantes39s-birthday-gift-basta-alam-kong-love-niya-ako-tulad-ng-sinasabi-niya-at-palagi-niyang-pinaparamdam-okay-na-ako-do39n/

Tuesday, August 9, 2011

Dingdong Dantes surprised by Marian Rivera's effort to give him his favorite watch as birthday gift

MARIAN'S GIFT. Nang makausap ng PEP si Marian sa taping ng Amaya, ayaw nitong sa kanya manggaling kung ano ang naging birthday gift niya kay Dingdong. At itanong na lang sa kanyang boyfriend mismo.

Nang tanungin namin si Dingdong tungkol dito, hindi naman niya ito ipinagkait. Although nakiusap siyang huwag na lang banggitin ang mismong brand nito.

"Well, binigyan niya ko ng isang favorite watch ko. Na talagang balak kong kunin mid-August, pero talagang inunahan niya ko.

"Kasi, sabi ng supplier ko, darating pa raw gitna ng August," sabi niya.

Naibigay na raw ni Marian sa kanya ang relong ito at ikinagulat daw niyang talaga.

"E, kasi, nagbilin pa ako sa shop na sabi ko, 'Kahit na anong mangyari, huwag n'yong ibibigay kahit na kanino kasi kukunin ko 'yan.'

"Iba naman ang taong nakausap niya [Marian].

"Pero more importantly, yung oras talaga na ibinigay niya sa akin. Na bukod sa kahit anong matinding materyal na regalo, e, yung oras talaga.

"Yung atensiyon at saka yung effort na ginugol niya para ibigay sa akin ang dishes na yun."

DINGDONG'S GIFT. Si Dingdong ba ay may naka-ready nang regalo para kay Marian sa kaarawan naman nito?

"Wala pa, pag-iisipan ko pa nang maige. Hindi ko pa talaga alam kung ano.

"Pero siyempre, gusto ko ng something na maaalala niya habambuhay.

"Lahat naman ng ibinibigay ko, naaalala niya. Pero may times talaga na mauubusan ka and you will always have to outsmart and outdo what you gave previously.

"So, it's always a challenge to give something special to someone really special."

Sila ba ni Marian yung tipong tsina-challenge ang isa-isa sa pagbibigay ng gifts?

"Hindi, no pressure. Basta nangyayari lang siya," sabi ni Dingdong.

"Yun naman ang maganda dahil wala namang nire-require.

"But you know, the thought of giving gift is a gesture of, well, I just want her to feel special.

"Yun lang naman yun."

PRIVATE CELEBRATION. Ngayong 31st birthday ni Dingdong, mas pinili niya na maging private ang pagse-celebrate nito kumpara sa past birthdays niya na kadalasang may malaking party siya o special celebration.

Paliwanag ni Dingdong sa bagay na ito, "It is because may mas mahalagang purpose.

"At the end of the year, I will be coming up with a special under GMA. Plus, maraming ibang gagawin, e.

"Kumbaga, yung birthday, hindi naman doon natatapos kung ano ang puwedeng special na maipakita ko at maipakita ng ibang tao sa akin.

"But it should be whole-year round, especially ngayon na ang daming pribilehiyong ibinibigay sa atin. Maraming tasks, maraming gustong gawin.

"Kumbaga, naka-spread out sa buong taon ang maraming magagandang bagay.

"And if you will combine all those in just one day, e, hindi kakayanin ng isang tao yun.

"So, talagang I'm just fortunate that blessings were evenly distributed throughout all the year.

"Likewise, it was my obligation to share this blessing to everyone who is concern."

AWAKENING. Bago ang actual birthday ni Dingdong, nag-host siya ng special documentary sa GMA-7 with Mike Enriquez, ang Report Card. Tinalakay nito ang estado ng edukasyon sa bansa, partikular sa pinakamahihirap na lugar sa bansa.

Nagkaroon ito ng magagandang reviews, comments, at higit sa lahat, naiparating nila sa kamalayan ng maraming Pinoy ang totoong kalagayan ng edukasyon sa ilang lugar sa bansa.

Personally, on his part, anong naging impact sa kanya ng ginawa niya?

"Alam mo, sobra, kasi ang basehan ko kasi ng mga ganoong gawain ko, kung ako mismo ay maapektuhan.

"E, kasi, habang ginagawa ko pa lang, apektadong-apektado na ako. Much more, noong pinanood ko.

"E, alam ko na yun ang gauge, e, kapag effective siya at kapag sumapol sa akin. Sapol na sapol siya.

"I mean, partida na 'yan. I must say na kahit papano, may research na rin ako about things like that because it's part of our advocacy at Yes Pinoy Foundation na alamin ang mga bagay na ganyan.

"And I was also surprised na may ibang bagay pa pala na hindi ko nakikita.

"Although, nakikita ko in papers, nakikita ko ang figures, nakikita ko ang ibang description, pero iba talaga kapag nakita mo sa TV, much more kapag naroon ka."

Ang maganda nga raw sa nangyari, nakita niya mismo ang kalagayan ng ilang depressed area sa bansa pagdating sa edukasyon, at hindi lamang siya isang celebrity na nag-narrate ng kanilang docu.

Sabi ni Dingdong, "Actually, nagulat din ako noong nina-narrate ko.

"Sinabi ko lang, narrate mo 'to, okay. It's just like, I know what I am saying because I really knew what I was saying and I felt that while doing it.

"So, maybe yun ang isang bagay na proud ako. Hindi lang siya yung pagbibigay ng impormasyon.

"Maybe one dimensional because you can't involve emotion. But with special like this, maybe I can have a little liberty to show feelings because hindi naman ako hardcore na announcer. Hindi naman ako hardcore na reporter.

"Maybe, I can cross that line sometimes which I did."

Ano naman ang masasabi ni Dingdong sa naging reaksiyon ng mga taong nakapanood na siya ay "perfect choice" daw to host this kind of special because of his credibility to the subject.

"Well, unang-una, hindi ko naman papasukin ang isang bagay kung hindi ko siya linya.

"Kung wala akong pakialam or wala siyang kinalaman sa aking pagkatao, lalung-lalo na kung yun ay hindi isang role.

"Ito ay isang paghahayag ng sobrang importanteng bagay na malapit din sa akin, which is education.

"Siguro kung nasabi nilang perfect, salamat.

"Pinili ko rin na gawin yun and, of course, one thing is for sure, their situation is not perfect."

SPECIAL GIFT. Dahil sa special docu na yun, minabuti ni Dingdong na imbes na siya ang bigyan ng birthday gift sa Party Pilipinas, namili siya ng dalawa sa nai-feature sa Report Card na binigyan niya ng regalo.

Napili ni Dingdong na bigyan ng isang classroom ang mga bata sa Surigao. Mga sapatos naman ang ibinigay niya sa isang pamilya sa Quezon City na nagpapalitan lang ng isang sapatos ang dalawang magkapatid na nag-aaral.

Bukod sa mga sapatos ay nagregalo rin siya ng bahay sa mag-anak na ito.

Dahil sa mga advocacy niyang ito, kakambal nito ang palagay ng ilan na papasok na rin siguro siya sa pulitika.

Pero ayon sa aktor, "Hindi naman ganoon yun.

"Kasi, ibig sabihin, kapag ang mga taong walang ginagawang ganito at pumasok sa pulitika, e, natripan lang nila. Hindi naman.

"Actually, hindi naman obligasyon ng bawat isa. Pero kailangan maging obligasyon ng bawat isa na kahit papaano, e, magkaroon ng pakialam.

"Maaaring hindi verbal, maaaring hindi visual, maaaring hindi malaki sa iba, basta bigyan mo ng atensiyon.

"Lahat naman puwedeng gumawa no'n, e."

BACK TO KAPUSO ONLINE HOMEPAGE and THE KAPUSO ONLINE AWARDS - A Viewer's Choice Special: CLICK HERE TO VOTE

Information Courtesy of PEP / Rose Garcia

http://www.pep.ph/news/30540/dingdong-dantes-surprised-by-marian-rivera39s-effort-to-give-him-his-favorite-watch-as-birthday-gift

Marian Rivera sings live for her fans; wishes for "peace of mind" on her birthday

Isang advanced birthday party ang idinaos last August 7, Linggo ng hapon, para sa aktres at Amaya star na si Marian Rivera sa Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang naturang party ay handog ng birthday girl at ng kanyang manager na si Popoy Caritativo para sa solid fans and supporters ng magandang aktres kaya nagmistula na ring fans' day ang naturang selebrasyon.

Sa umpisa ng okasyon ay nagbigay muna ng mensahe ng pasasalamat at pagbati sa mga um-attend ang manager ni Marian na siyang punong-abala sa party.

At nang dumating na si Marian ay siya naman ang nagpasalamat at bumati sa mga nakisaya sa birthday niya.

Matapos ito ay kumanta si Marian para pagbigyan ang kahilingan ng mga dumalo na "mag-concert" ang aktres.

Noong una ay tila nahihiya pa si Marian na kumanta.

"Sasayaw na lang ako!" tawa pa nang tawang abi ng aktres.

Pero dahil na nga sa request ng mga fans niya ay nagpaunlak si Marian ng ilang kanta kasama ang live band na incidentally ay fans din niya.

Matapos kumanta ay nagpa-trivia game naman si Marian na kung saan ang mga fans niya ang contestants at ilang members of the press na naimbitahan sa selebrasyon.

Mga trivia questions about Marian ang itinanong ng aktres at halos lahat naman ay nakasagot at tumanggap ng regalo mula kay Marian.

Pagkatapos ng game ay umaatikabong picture-taking na ang naganap kung saan inikot ni Marian ang lahat ng tables ng mga bisista kaya naman lahat ay nabigyan ng pagkakataon na makapagpalitrato kasama ang kanilang iniidolong aktres.

Sa dami ng dumalo sa selebrasyon ay kitang-kita kung gaano karami ang nagmamahal kay Marian.

Bakas sa mukha ng mga dumalo sa party ang labis-labis na kaligayahan na nakasama at nakatsikahan nila si Marian sa espesyal na okasyon sa buhay ng Amaya star.

Tuwang-tuwa ang fans dahil naglaan ng oras para sa kanila ang aktres sa kabila ng napaka-hectic schedule nito.

Ipinakita at ipinadama ni Marian na mahal na mahal niya ang kanyang mga supporters, kaya naman mahal na mahal din siya ng kanyang mga tagahanga.

Walang celebrities na nasa party dahil iyon ay talagang inilaan para sa mga fans at supporters ni Marian.

Kahit ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes ay wala sa party dahil nagkataong may party rin ang aktor that day para naman sa kanyang kaarawan. Isang charity event ang idinaos bilang pagse-celebrate ng kanyang kaarawan.

August 2 ang birthday ni Dingdong at August 12 naman ang kaarawan ni Marian.

Nang tanungin si Marian kung ano ang kanyang birthday wish, "Ay, peace of mind!" ang mabilis niyang sagot.

"Siyempre, hindi naman mabibili ang peace of mind.

"Siyempre ako, sa birthday ko, sa pamilya ko, wala naman akong marereklamo.

"Maayos naman lahat. Wala namang nagkakasakit. Lahat naman kami may communication.

"Sa career ko naman, masaya naman ako nang bonggang-bongga.

"Sa lovelife ko, bakit naman hindi? Nakita n'yo naman, lagi namang nandiyan si Dong para sa akin.

"So, ano na lang siguro, peace of mind lang talaga," nakangiting pahayag niya.

Information Courtesy of PEP / Rommel Gonzales

http://www.pep.ph/news/30548/marian-rivera-sings-live-for-her-fans-wishes-for-peace-of-mind-on-her-birthday/