PEP:
Sa nakaraang presscon ng My Neighbor's Wife, naging usap-usapan ang kumprontasyon sa pagitan ng aktres na si Carla Abellana at ng veteran entertainment writer na si Mario Bautista.
Sa presscon ng Marikina Shoe Exchange kagabi, September 5, sa Richmonde Hotel sa Eastwood, may nagtanong kay Carla kung kumusta na sila at kung nagkaroon na ba silang muli ng chance na magkausap ni Mario.
Ayon kay Carla, "Okay naman. Hindi pa kami nagkakausap. Hindi pa kami nagkikita.
"I'm hoping to see him in one of the presscons, but, okay naman ako.
"Actually, akala ko nga, tapos na noong gabing 'yun, pero umpisa pa lang pala.
"But, you know, sabi ko nga, masyado akong maraming pinagkakabaalahan para isipin yun.
"I have a new movie that's coming out.
"May bago akong soap at first taping namin today at babalik pa ako do'n.
"At eto, bagong endorsement.
"It's really nothing to me.
"I'm past it already, move on na. Back to work."
Anong leksiyon ang natutunan ni Carla sa nangyari?
"Marami," mabilis niyang tugon.
"Anong klaseng lesson ang gusto mo? Personal? Professional?"
Sabi pa niya, regarding Mario, "Wala namang nagbago. It's just that I have more respect to him now than before."
Sinubukan din ba nila na kausapin ang beteranong manunulat?
Aniya, "Well, may tina-try kaming meeting with him.
"But I was discouraged by my mom and lola na to pursue that meeting or to push through with the meeting.
CONTINUE READING FROM ORIGINAL [SOURCE]
Information Courtesy of PEP / Rose Garcia
