Friday, September 2, 2011

Richard Gutierrez nagbigay ng P1.2M sa Kapuso Foundation

GMA NEWS:

Bilang paraan ng pagbabalik sa mga biyayang nakamit, nagkaloob si Richard Gutierrez sa GMA Kapuso Foundation ang P1.2 milyon na nalikom sa pinangunahan niyang All Star Kapuso Fun Run na ginawa noong Abril.

Ayon kay showbiz reporter Aubrey Carampel, ang tseke na nagkakahalaga ng P1.2 milyon ay tinanggap mula kay Richard ni GMA Kapuso Foundation Executive Vice President and COO Mel Tiangco.

Sinaksihan naman ito nina GMA President and COO Gilberto Duavit Jr.; SVP for Corporate Services Group and Corporate Treasurer Felipe Yalong at Henry Perez, Executive Director ng Kapuso Foundation.

“Itong taon na ito minabuti ni Richard na imbes na tv special ang gawin ay magpaganap na lang ng isang fun run. At yung proceeds nito ay idodonate sa GMA Kapuso Foundation," ayon kay G. Duavit.

Masaya naman si Richard sa kinalabasan ng naturang proyekto. Bukod kasi sa nakapag-ehersisyo ang mga lumahok, nakatulong pa sila sa makabuluhang proyekto.

Sinabi ni Tita Mel na ang nalikom na pera ay gagamitin sa para sa school development project ng Kapuso foundation.

“As you know we build schools all over the country. Napakagandang pagkakataon na magamit din ito because you know ang advocacy niya (Richard) ay environment. Iyong school rehabilitation project na ‘yon (ay) mayroong environment component. Nagtatanim kami ng puno sa loob ng eskuwelahan, we hold symposiums para maturuan ang mga bata tungkol sa environment," paliwanag ni Tita Mel.

Nangako naman si Richard na hindi siya magsasawa sa pagtulong sa foundation. Makikiisa rin daw siya sa proyektong celebrity ukay-ukay at magdodonate ng kanyang mga damit na puwedeng isubasta.

Ang kita sa naturang ukay-ukay ay napupunta rin sa foundation at ginagamit sa mga proyekto nito.

Sinabi naman ni Richard na handa na siya sa next season ng Survivor Philippines. Siya man ay mapapasabak umano sa mga challenges na kakaharapin ng mga kalahok sa naturang hit reality show.

CONTINUE READING FROM ORIGINAL [SOURCE] 
Information Courtesy of GMA News / FRJImenez

 If You Like This Kapuso Post, Click Here To Subscribe Via Email