Sunday, September 4, 2011

Jennylyn Mercado on reported romance with Luis Manzano: "Parang ine-enjoy lang po namin ang isa't isa, pero wala pa po talaga."

PEP:

Being a young mom in real life, mas madali raw para kay Jennylyn Mercado ang gumanap na ina sa kanyang mga series tulad ng Futbolilits ng GMA-7.

Although Julian Trono, who plays the role of Hero in the show, is older than her son in real life, para kay Jennylyn, pare-pareho lang naman daw yun, kahit mga bata pa yung nagiging anak niya sa serye.

Nakausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa set ng Futbolilits sa Parañaque kahapon, September 2, kunsaan, present ang buong cast ng show para sa isang laban ng mga futbolilits.

Jennylyn talks about playing the role of Julian's mom in the series: "Okay naman. Pareho lang din actually, kapag maliliit lang yung anak ko."

Malaking bagay din na nanay siya kay Alex Jazz in real life.

Aniya, "Opo naman. Nakakatulong talaga, kumbaga, yun naman talaga ang role ko [in real life], as mother."

Dinescribe ni Jennylyn ang pagta-trabaho niya sa show.

"Masaya!" nakangiti niyang sabi. "Nagdadala rin ako ng pagkain, like sa mga bata, nagdadala ako ng donut pang-pa-energy."

Kahit busy sa kanyang mga showbiz commitments—she hosts a daily show, Protégé —nagagawa pa rin ni Jennylyn ang mag-triathlon.

Mahilig na raw siya sa sports kahit noon pa, pero ngayon nga, nakakailang weeks na raw siyang nage-ensayo, at posible rin siyang mag-compete.

GOOD FOR THE HEART. May heart problem si Jennylyn na naibalita na noon, pero, ayon sa Kapuso actress, maganda raw para sa heart niya ang triathlon.

"Maganda po yun sa heart. Nae-exercise yung cardio. Although, three weeks pa lang po ulit ako naglalaro. Sa September, meron po ako na competition, pero, duathlon pa lang po ako."

CONTINUE READING FROM ORIGINAL [SOURCE] 
Information Courtesy of PEP / Rose Garcia

 If You Like This Kapuso Post, Click Here To Subscribe Via Email