PEP:
BABY BOY. Sobrang saya nga nina Ogie at Regine nang makumpirma nila na lalaki ang magiging panganay nila.
May dalawa nang anak na babae si Ogie sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren—sina Sarah at Leila.
"Yes, of course! Kaya nga ang concert ko... O, di ba, okay ba ang segue ko?" natatawang biro pa niya.
"Yung concert ko sa August 23, sa Resorts World, ang title no'n, Celebration.
"It's a celebration of sorts, celebrating this special gift. It's time to celebrate."
Ine-expect daw ni Ogie at Regine na ipapanganak ang baby nila sa November 22 bilang ito raw ang due date ng Asia's Songbird.
"Nathaniel James" ang napiling pangalan nina Ogie at Regine sa kanilang baby boy.
Kinumpirma ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na "Nathaniel James" ang pangalang napili nila ng kanyang misis na si Regine Velasquez-Alcasid para sa kanilang magiging first born.
Ipinahayag ito ni Ogie sa press launch ng OPM Summit and Fair na ginawa sa Mesa Restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City kahapon, July 28.
THE NAME. Ipinaliwanag ni Ogie kung bakit Nathaniel James ang napili nila ni Regine na pangalan ng kanilang magiging baby boy.
May balita kasing baka raw "Herminio Jr." ang ibigay nilang pangalan sa baby nila.
"Well, there's nothing wrong naman kung i-junior ko ang baby namin.
"Kaso, hindi na akma sa panahon natin ngayon ang pangalang Herminio, di ba?" natatawang sabi ni Ogie.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ilan bang bata ang pinapangalanan na Herminio ngayon, di ba?
"Ako na lang yata ang huling napangalanan no'n, e."
Paliwanag pa niya, "Napili namin yung Nathaniel kasi parang bagay na bagay.
"Mayamang pakinggan ang pangalan, di ba? Sosyal na sosyal.
"At gusto naming nickname niya ay Nate. Para lang siyang isa sa characters ng Gossip Girl!
"Kaya kapag tinawag namin siya, 'Nate!' Uy, ang sosyal!
"Yung James naman, matagal na naming gusto ni Reg ang pangalan na James. Biblical name kasi ang James at match siya sa Nathaniel.
"Kaya sosyal na, magiging malapit pa sa Diyos ang anak namin."
BLOOMING. Almost five months na ang dinadala ni Regine ngayon.
Ayon kay Ogie, "My wife is doing very well.
"Wala na siyang mga nararanasan na complications, unlike noong first trimester niya. Talagang sakripisyo tayo sa mga nararamdaman niya.
"Now, okey na okey na siya. Nakakakilos na siya nang maayos.
"Iniiwasan ko lang na patawanin siya nang husto. Kasi kapag tumawa 'yang si Reg, sobra-sobra at sumasakit ang tiyan niya!
"Kaya as much as possible, ayokong mag-joke sa kanya para matawa siya nang husto."
Kuwento ni Ogie, hindi raw naniniwala si Regine kapag may mga nagsasabi sa Songbird na maganda siyang magbuntis. Feeling daw kasi nito ay nabawasan na ang ganda niya mula nang mabuntis siya.
Ani Ogie, "Yun naman ang parati kong inaalis sa isipan niya. Hindi siya pumangit. Iba nga ang glow niya ngayon.
"Kahit sa akin kasi, hindi siya naniniwala na maganda siyang magbuntis.
"Hindi ko naman masisisi ang misis ko, kasi lahat naman yata ng mga babaeng nabubuntis ay pakiramdam nila ay hindi na sila maganda.
"Sabi pa nga nila, kapag lalake ang ipinagbubuntis ng babae, lumalaki ang ilong tapos nangingitim daw ang leeg and all that.
"With Regine, wala akong makitang gano'n.
"I always tell her that she is glowing and she is beautiful. Hindi ko siya ine-echos.
"Gusto ko ay maging happy siya while she's pregnant.
"Kapag nakikita ko nga 'yang ngumingiti, natutuwa ako kasi ang ganda-ganda niyang magbuntis talaga," saad ni Ogie.
PREPARATIONS. Naikuwento rin ni Ogie na inuunti-unti na nila ang pag-aayos ng magiging kuwarto ng baby nila.
Although hindi pa raw nila napipili kung ano ang magandang kulay, may mga gamit na raw na sinubukang buuin ni Ogie.
"Meron na siyang crib at yung stroller," banggit niya.
"Ang hirap palang buuin yung crib. Kasi, marami na palang features ang mga crib ngayon.
"May MP3 player na, may pang-uga na siya, at kung anu-ano pang ikinakagulat ko.
"E, noong araw, yung crib, tulugan lang ng bata. Ngayon, parang kulang na lang ay IMAX at 3D!" tawa niya ulit.
"Pero nasubukan ko namang mag-DIY [Do-It-Yourself] dahil para naman may maipagmalaki ako sa anak namin.
"Yung ibang gamit niya, baka sa baby shower na lang namin makuha.
"May baby registry naman kaya pipiliin na lang namin ang kulang at bahala na ang mga guest kung ano ang kunin nila."
GODPARENTS. Tungkol naman sa magiging godparents ng kanilang baby, hindi pa raw nagagawa ng mag-asawa ang final list.
"Sinabi ko nga kay Reg, para sosyal ang mga gamit ng baby namin, ang kunin naming mga ninong at ninang ay mayayaman.
"Para siguro kami na mamahalin ang mga gamit ni baby!" biro ni Ogie.
"But seriously, with regards sa mga ninong at ninang, hindi pa namin naaayos 'yan.
"Though may mga nagbu-volunteer na, siyempre nasa amin pa rin kung sino ang gusto naming tumayong second parent ng baby namin.
"Kailangan yung kilalang-kilala namin at part na siya ng pamilya namin."
Information Courtesy of PEP / Rose Garcia
http://www.pep.ph/news/30399/Ogie-Alcasid-and-Regine-Velasquez-choose-Nathaniel-James-as-the-name-of-their-unborn-son
and
http://www.pep.ph/news/30486/ogie-alcasid-and-wife-regine-velasquez-excited-for-the-arrival-of-their-baby-boy